COVID-19 NewsNews

“Prevention is the name of the game”- Gov. Abet

0

Sa ginanap na presscon ni Gov Abet Garcia sa mga mamamahayag, kinumpirma niya na mayroon na ngang 14 na kaso ng “Delta Variant” ng COVID sa Bataan, kung saan ay binigyang diin niya sa ating mga kababayan ang ibayong pag-iingat at malaking porsyento umano ng ating kaligtasan ay nasa ating mga kamay, lalo na kung maisasagawa natin nang maayos ang mga health protocols.

Idinagdag pa ni Gov. Abet na huwag umano nating hayaan na matulad tayo sa mga bansang India at Indonesia, kung kayat kailangan umanong maagapan natin ito sa pamamagiran ng pag iingat.
Ipinaliwanag ni Gov. Garcia, na ginagawa ng ating Pamahalaan, mula sa barangay, municipal, provincial, regional at national level, ang lahat at nagtutulung-tulong nang sa gayon ay hindi na lumala pa ang sitwasyon.

Hiniling din ni Gov. Abet ang kooperasyon ng lahat na gawin ang health protocols maging sa loob at labas ng bahay dahil base umano sa mga nakakalap na impormasyon, nagsisimula ang hawahan sa mga APOR (Authorized Persons Outside Residence) halimbawa umano nagtatrabaho, lumabas ng bahay, galing sa Manila o ibang lugar, uuwi umano ang mga ito hindi alam na may “dala- dala” na silang virus at mahahawahan na ang buong pamilya.

At sana, ayon pa kay Gov. Abet, na talagang maiwasan na ang mga pagpunta/pagdalo sa mga inuman, birthday party, mga burol o iba pang pagtitipon; na sana ay talagang madisiplina natin ang ating mga sarili.
Kung kaya’t paulit-ulit ang kanyang pakiusap na sumunod ang lahat sa mga alituntunin dahil sa ngayon ayon pa kay Gov. Abet, “Prevention is the name of the game”.

Abucay at Samal pinili ng DOST

Previous article

Bataan opens farms to tourism market

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply