banner

Programang “Edu-Child”, ng Balanga, permanente na

Written by
  • Jonie L. C.
  • 2 years ago

Patuloy pa ring pinauunlad at pinagaganda ng Pamahalaang Lungsod ng Balanga ang 29 na Day Care Centers sa buong lungsod.
Ayon kay City Social Welfare Development Officer Gloria Abejar pagdating umano sa edukasyon ay hindi nagpapabaya si City Mayor Francis Garcia sa katunayan, ang kanilang Edu-Child program ay permanente at patuloy na sinusuportahan na pamahalaang lokal.

Sinabi pa ni Gng. Abejar na ganon din ang pagpapahalagang ibinibigay sa may 100 mag-aaral sa elementary at highschool na mga PWDs (People with Disability) na tumatanggap ng buwanang allowance na P500.00.

Plano ding bigyan ng Pamahalaang Lungsod ng tulong ang lahat ng mga solo parents sa lungsod.

Article Categories:
News · Social Welfare

Comments are closed.

Shares