banner

Programang pangkalikasan, pag-iibayuhin pa

Written by
  • Jonie L. C.
  • 1 year ago

Lalo pang pag-iibayuhin ng City Environment and Natural Resources Office ang mga programang nasimulan na tulad ng ABKD-Ayusin, Buhayin, Kalingain, Daluyan ng Tubig Natin sa buong Lungsod bilang paghahanda sa National Manila Bayani 2021.

Ayon sa Hepe ng CENRO, Nerissa Mateo, kanilang paiigtingin ang pagpapatupad ng Ecological Solid Waste Management lalo na ngayong panahon ng pandemya. Kailangan umano ang wastong pangangasiwa ng mga basura lalo na ang mga gamit nang face masks at face shields.

Matatandaan, na nagwagi ang Lungsod ng Balanga bilang Top Performing LGU at Manila Bayani 2020 sa Region 3 na iginawad ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares