banner

Radyo EduAKSYON sa Samal, sinimulan

Written by
  • Mhike R. C.
  • 8 months ago

Sisimulan ngayong Lunes, ika-5 ng Abril ang pagsasahimpapawid ng Radyo EduAKSYON sa bayan ng Samal.

“Hatid sa atin ng TEAM: Tuloy ang Edukasyon nang may Aksyon at Malasakit, narito po ang schedule ng Radyo EduAKSYON mula sa Kagawaran ng Edukasyon ng Bayan ng Samal sa pangunguna ng ating District Supervisor – Ma’am Jeolfa Reyes,” pahayag ni Samal Mayor Aida D. Macalinao.

Ayon kay Mayor Macalinao, apat na frequencies sa FM Band ang kanilang gagamitin, katuwang ang Departnent of Education o DepEd. Ito ay ang 91.1FM (Radyo EduAksyon ng Hilaga) ; 104.7FM (Radyo EduAksyon ng Timog); 96.7FM (Radyo EduAksyon ng Kanluran at 93.5FM bilang Radyo EdukAskyon ng Junior High School.
Ang naturang sistema ng pagtuturo ay tugon ng Samal LGU upang maipatupad ang ‘new normal’ na istratehiya sa pagtuturo bilang tugon sa banta ng COVID-19.

Ayon pa kay “Yorme Aida” ang ‘new normal’ na pagtuturo gaya ng blended teaching-learning gamit ang internet, modules, radyo o telebisyon ay mabisang istratehiya upang maipagpatuloy ang edukasyon ng mga mag-aaral.
Para sa karagdagang impormasyon at iskedyul sa mga nabanggit na radio-based teaching ay isang Facebook Page din ang sinimulan, ang “DepEd Samal Radio-Based Instruction” na may link na, https://www.facebook.com/Deped-Samal-Radio-Based-Instruction-104214148445447/

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares