Risers nanaig kontra sa Skyscrapers

GENERAL SANTOS CITY – Panalo ang Bataan Risers kontra sa Makati Skyscrapers sa dikitang laban sa iskor na 72 – 70. Ginanap ang naturang laro sa Lagao Gymnasium sa nasabing lungsod.
Dahil sa dikit ang laban, umabot pa ng overtime ang laro. Pansamantalang humalili si Assistant coach Vic Pablo kay Head coach Jojo Lastimosa sa naturang laban ng Risers sa kadahilanang si “Coach Jolas” ay nasa Maynila para sa laban ng NLEX Road Warriors ng PBA. Makikita rin sa naturang laro na may bagong assistant coach ang Risers, ang PBA legend na si Ervin Sotto.
Nanguna si Jeepy Faundo sa pagkuha ng Risers sa kanilang ika-anim na sunod na pagka panalo sa iskor na 14 na puntos, 7 rebounds, at 1 block. Ang susunod na laro ng Risers ay sa September 12, miyerkukes, sa Bataan People’s Center kaaba amg Valenzuela Idol Cheesdogs. Bataan Risers, AANGAT KA!