Agriculture

Samal hog raisers nabigyan ng ayuda mula sa DA

0

Siyamnapung hog-raisers na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) ang nabiyayaan ng tulong pinansyal sa ilalim ng ASF indemnification program ng Department of Agriculture nitong nagdaang Biernes sa Samal, Bataan.

Ayon kay Samal Mayor Aida Macalinao, bawat isa ay nakatanggap ng limang libong piso (Php 5000) sa bawat baboy na naapektuhan ng ASF ngunit limitado lamang sa hanggang dalawampung baboy kaya’t sa kabuuan, ang halaga ng benepisyong naipamahagi ay umabot sa mahigit limang milyon (Php 5,300,000.00).

Sinaksihan ang pamamahagi ng ayuda ng mga opisyal at kawani ng Department of Agriculture Region 3, Bataan Provincial Veterinarian Dr. Alberto Venturina, Municipal Agriculturist Ms. Nora Medina at mga kawani ng Municipal Agriculture Office.

Nagpasalamat si Mayor Macalinao sa lahat ng nagtulung- tulong sa pag-oorganisa ng naturang aktibidad at sa pagsisikap na mabigyan ng karampatang tulong ang mga Samaleñong hog-raisers na naapektuhan ang kabuhayan nang dahil sa ASF.

Aniya, matagumpay na naipamahagi ang tulong pinansyal na ito dahil na rin sa paggabay ng programang Aksyon At Malasakit ng Samal LGU.

“Batid namin na napakahirap ng kanilang pinagdaanan dahil noong nangyari ang ASF ay siya namang sinundan ng pagpasok ng COVID-19 Pandemic. Taos-puso po akong nagpapasalamat sa inyong maagap na aksyon at walang humpay na malasakit sa mga hinaing ng ating mga kababayang hog-raisers,” pahayag pa ng Alkalde.

Bataan bags SGLG for 4th consecutive year

Previous article

Red tide in 9 towns of Bataan

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in Agriculture