News

Samal, sinimulan na ang National ID system

0

Sumalang kahapon sa Local Civil Registry office ng Samal si Mayor Aida Macalinao bilang pagbibigay ehemplo sa mga Samaleno na pangunahan ang pagpaparehistro sa National ID system.

Ayon kay Mayor Macalinao, kung ating matatandaan, noon pang Agosto taong 2018 nang lagdaan ni Pangulong Duterte ang Rep. Act 11055 o mas kilala sa tawag na Phil. Identification System na may layuning magkaroon ng Universal ID na maaaring gamitin sa pag a apply sa mga serbisyo o eligibility requirements pribado man o pampubliko gayundin sa mga serbisyong ibibigay ng gobyerno.

Ipinaliwanag din ni Mayor Aida na ipagbibigay alam sa lahat ng mga barangay ang mga kinakailangang ihandang dokumento ng mga tao tulad ng birth certificate, pagdadala ng goverrnment issued ID tulad ng UMID, SSS o GSIS at iba pa sa pagrerehistro para sa national id system. Gayundin ipaliliwanag kung aling mga barangay ang dapat mauna at sinu-sino ang kinakailangang magparehistro.

Samantala, nilinaw ng Local Civil Registry ng Samal na ang mga pwedeng magparehistro sa national id system ay yong mga Filipino citizens at permanent resident alien na may edad na 18 pataas.
Dagdag pa ng mga taga local civil registry na ang national id system ay isang valid proof of identification ng lahat ng Filipino, makapagpapabilis sa mga transaksyon dahil mababawasan na ang pagpepresenta ng iba’t – ibang klase ng ID at dahil sa ginamitan ng biometrics, fingerprints at iris scan ay nakatitiyak ng validity o authenticity ng pagkakakilanlan ng tao at higit sa lahat, ang NIS ay gumamit ng state-of-the-art technology para makasiguro na hindi ito magagaya o mapepeke.

SBMA earnings dip by 22%

Previous article

Payumo favors 3rd Bataan congressional district

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News