Social Welfare

Samal tricycle drivers tumanggap ng ayuda mula sa DOLE

0

Sa pagpasok ng Bagong Taon ay maagang biyaya ang natanggap ng mga miyembro ng Samal Tricycle Drivers Association nitong ika-7 ng Enero 2021.

Ito ay matapos silang mabigyan ng ayuda mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) na nagkakahalaga ng tatlong daang libong piso (Php 300,000.00).

Pinangunahan ni Mayor Aida Macalinao ang pamamahagi ng tig-sampung libong piso sa tatlumpung tricycle drivers na naging beneficiaries ng proyektong ito.

“Ang perang kanilang natanggap ay makatutulong sa kanilang paghahanapbuhay sa pamamagitan ng pag-acquire ng mga motorcycle accessories at services,” pahayag ni Mayor Macalinao.

Lubos na nagpasalamat ang Alkalde kay DOLE Region III Regional Director, Ma. Zenaida A. Angara-Campita, DOLE Provincial Director Leilani M. Reynoso at Rico Val Bacuyag sa proyektong iginawad para sa mga tricycle drivers ng Samal na labis na naapektuhan ng pandemyang dulot ng Covid-19.

Nidec reduces workers to sustain Subic operations

Previous article

Lugar para sa mga biktima ng domestic violence, isinusulong

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply