banner

Senior citizens sa Hermosa, edad 90 pataas, binigyan ng cash incentives

Written by
  • Mhike R. C.
  • 8 months ago

Nagpapatuloy ang pamamahagi ng Hermosa LGU sa pamumuno ni Mayor Jopet Inton, ng cash incentives para sa mga senior citizens na may edad 90 pataas sa lahat ng barangay sa Hermosa,

Ayon kay Mayor Inton, ang bawat senior citizen sa nabanggit na mga edad ay binibigyan ng P5,000 bawat isa.
“Ito ay bahagi ng programa ng Lokal na Pamahalaan ng Hermosa na kahit maliit lamang na halaga ay makatulong sa ating mga kababayang seniors lalo na ngayong pandemya,” pahayag ni Mayor Jopet.

Dagdag pa ng Alkalde ang palagian niyang paalala sa lahat ng Hermoseño, lalo na aniya sa mga senior citizens, ang patuloy at ibayong pag-iingat ng bawat isa ngayong panahon ng pandemya.
Ang naturang halaga ay bukod pa sa ipinagkakaloob ng DSWD sa mga senior citizens na P100,000 kapag sila ay sumapit na sa kanilang ikaisangdaang taong anibersaryo ng kapanganakan o 100th birthday.

Article Tags:
·
Article Categories:
Social Welfare

Leave a Reply

Shares