banner

Simula na nang kampanya

Written by
  • Zeny S.
  • 8 months ago

Iba’t ibang pakulo ang nakita ng mga tao sa pagsisimula nitong nakaraang Biyernes ng kampanya ng mga kandidato.

Animo fiesta sa dami ng tao sa mga kalsada; ang iba ay gumamit pa ng malalakas na tugtog at nagpukol ng t-shirts na lalong nagpasigla sa mga taong di alintana ang init ng panahon.

Sa bayan ng Mariveles, dumalo muna sa isang misa ang grupo ni Mayor AJ Concepcion bago nagmotorcade; kasama sina Cong Joet at Mayor Gila Garcia na tumatakbong kinatawan ng ikatlong distrito ng Lalawigan, sa paglilibot sa iba’t ibang barangay.

Nagsimula na rin ang grupo ni Bokal Rey Ibe sa paglilibot sa bayan ng Orani.

Nitong Linggo ng umaga ay grupo naman ni Mayor Aida Macalinao ang nagmotorcade na sinimulan Brgy. Lalawigan kasama si Cong. Geraldine Roman.

Ang grupo ni Mayor Ana Santiago at ka-tandem na si Dexter Dominguez aka Teri Onor ay masigla ring naglibot buong bayan ng Abucay kasama pa rin si Cong. Geraldine Roman.

Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares