banner

SK presents “Saturday Nights”

Written by
  • Zeny S.
  • 1 year ago

Ang Sangguniang Kabataan ng Mariveles sa pangunguna ng SK ng barangay San Carlos ay magsasagawa ng programang tinawag nilang “Saturday Nights” para sa buwan ng Marso sabay sa Bisita Bayan ni Gov. Joet Garcia.

Isa sa mga gawain sa nasabing Saturday Nights ay film review, na sinimulan na nitong ika-4 ng Marso na magpapatuloy sa loob ng pitong linggo na gaganapin sa Carlos Sarreal Public Library and Hub Learning Center tuwing alas sais ng gabi.

Sa March 11, 2023 ay magkakaroon naman ng spoken poetry, samantalang sa March 18 ay magdaraos ng Musikabataan, isang mini concert.

Bilang paggalang sa darating na Semana Santa, magkakaroon ng film showing, “The Passion of Christ” sa March 25.

Ang mga nasabing gawain ay gaganapin sa Dr. Jose Rizal Development Center, alas sais ng gabi.

Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares