banner

Run for A Cause gagawin sa Abucay

Written by
  • Jonie L. C.
  • 9 years ago

 Abucay, Bataan – Isasagawa ng mga pamunuuan ng Gawad Kalinga at ng Pamahalaang Bayan ng Abucay katuwang ang Department of Social and Development ang Run for a Cause para makalikom ng pondo sa pagpapagawa ng mga bahay para sa mga mahihirap na nakatira sa sementeryo sa bayang ito.

            Ayon kay Ofelia Andres, Abucay head ng Department of Social Worker and Development DSWD gaganapin ang 5,000 Heroes Run sa darating na Enero 18, 2014 sa pangunguna ng naturang mga ahensiya. Magsisimula ang takbuhan sa harap ng Munisipyo ng Abucay at magwawakas sa GK Village sa Barangay Gabon ganap na alas 4:00 ng madaling araw.

            Ang mga tatakbo ay pangungunahan ng mga estudyante mula sa iba’t ibang eskwelahan sa lalawigan, mga religious group, mga kawani at iba pang sector sa lipunan.

            Ang malilikom dito ay ipagpapatayo ng mga bahay na siyang titirahan ng mga piling benipisyaryo na nakatira sa sementeryo ng Abucay.

            Sa kasalukuyan mayroon ng nakatayong 20 units sa naturang lugar na masayang tinitirhan ng mga mahihirap na mamayan sa bayang ito. Itinayo ang mga units sa pangunguna na rin ng mga opisyal na pinamunuan ni Mayora Santiago at ng Sangguniang Bayan.

            Ayon kay Mayora Ana Santiago marami sa ating mga kababayan mula sa ibang bansa ang nagtulong tulong para mabuo ang komunidad na ito. Ang nakatutuwa ditto ang iba ay nagdodonate ng isang unit na inaabot sa halagang P125,000 para maitayo ang isang bahay.

            Idinagdag ni Andres na 100 units na bahay ang kanilang target na maitayo para sa taong ito habang 65 pamilya naman na nakatira sa sementeryo ang makikinabang sa programang ito.

Kaugnay nito kumakatok ang DSWD sa lahat ng ating mga kababayan na mayroong ginintuang puso  na makilahok para sa ikatutupad ng programang ito. 

https://1bataan.com/social-welfare/713-5-000-heroes-run.html

Article Tags:
·
Article Categories:
Social Welfare

Comments are closed.

Shares