8 sa 10 pinakamagiting na programang pantelebisyon nakuha ng GMA7
BALANGA City – Nasungkit ng GMA 7 ang walo sa 10 Pinakamagiting na Programang Pantelebisyon para sa taong 2014 na dumaan sa masusing pag-aaral ng mga piling lider ng mga estudyante sa anim na sangay ng Bataan Peninsula State University.
Sinabi ni Dr. Delfin Magpantay, pangulo ng BPSU, na nasa ikalawang taon na ang BPSU Kagitingan Awards for Television. “Layunin nitong magtampok ng mga palabas sa telebisyon na makatutulong sa mga kabataang mag-aaral upang maging mabuting mamamayan.”









