BusinessNews

Tala, hindi malayong maging pilgrimage center at business hub

0

Sa pagdagsa ng mga tao sa Barangay Tala, bayan ng Orani dahil sa Sanctuario Diocesana De La Sagrada de Familia, sinabi ni Bishop Ruperto Santos at mga kaparian na magiging pilgrimage center ang nasabing santwaryo.
Dahil dito, kakailanganin na rin ang mga restaurants, hotels at pasalubong centers.

Sinabi pa ni Bishop Santos na, “time will come na magkakaroon na ng return of investments, kung saan ang Tala ay matutulad sa Tagaytay.
Ayon pa sa kanya, dahil mahirap na umano ang pumunta sa Tagaytay, nakikita umano niya na malaking tulong ang Clark International Airport, ang magagandang plano ni Gov. Abet tulad ng Mariveles – Cavite bridge, maayos na takbo ng ferry boat mula Port Capinpin to MOA, mabilis na transportasyon sa NLEX at SLEX at ang ating 6-lanes na kalsada. Ang mga ito ay magiging atraksyon patungo sa shrine at iba pang tourist spots sa Bataan.
Isa pa sa pinag aaralan umano nila ayon pa kay Bishop Santos ay ang pagtatayo ng retreat house at convention center dahil sa ngayon umano ay problema sa Bataan ang pagdaraos ng mga national religious events dahil sa kakulangan ng hotels at convention center.

Prayoridad umano nila na, ang magtatayo ng mga negosyo dito ay mga taga Brgy Tala at mga taga Orani, kung saan ay imamarket ang mga locally products tulad ng seafoods na alimango at sugpo, mga buko at herbal dahil sa dami ng halaman sa Tala, partikular na angTala kape.
Marami pa umanong magagawa para ma-develop ang barangay na malaking tulong sa mga mamamayan.

Bataan SP buckles down to work for the year 2021

Previous article

DPWH eyes completion of access road leading to Mt. Natib

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in Business