banner

Task force bubuuin para sa pagbili ng bakuna

Written by
  • Zeny S.
  • 2 years ago

Matapos ang pulong ng Mayor’s League na pinangunahan ni Mayor Gila Garcia bilang pangulo, na dinaluhan nina Gob. Abet Garcia at mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya partikular na ng DOH, sinabi nitong gumagawa na sila ng mga plano at inisyal na pakikipag usap sa DOH hinggil sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19.

Ayon pa kay Mayor Gila, una sa gagawin ng kanilang grupo sa pamumuno ni Gov. Abet ay bumuo ng task force, na siyang pangunahing mangangasiwa sa lahat ng preparasyon hinggil sa kung papaano masisiguro ang kaligtasan ng mga bakuna at kung papaano maayos na maisasagawa ang pagbabakuna sa buong lalawigan.

Nilinaw din ni Mayor Gila na maraming partnership ang ginagawa sa gabay ng DOH, na kung saan ay kailangan ang pakikipagtulungan ng pribadong sektor gayundin ang striktong pagsunod ng mga mamamayan sa mga alituntuning hinggil dito.

Ayon pa sa masipag na Mayora, wala pa umanong mga pinal na usapan subali’t sinisiguro nila nina Gov Abet na lahat ay kanilang gagawin upang hindi mahuli ang lalawigan sa pagkakaroon ng bakuna para sa mga mamamayan.

Article Tags:
· ·
Article Categories:
COVID-19 News

Leave a Reply

Shares