News

Tatag, determinasyon at pagkakaisa, panlaban sa COVID–19

0

Sa temang “Kagitingan ay Gawing Gabay, Pandemya ay Mapagtagumpayan” pinangunahan ni Gob. Albert Garcia ang paggunita sa ika-79 na taong anibersaryo ng Araw ng Kagitingan sa tuktok ng bundok Samat sa Barangay Diwa Pilar, noong ika-9 ng Abril.

Sa kabila ng pandemya, ginanap pa rin ang tradisyunal nap ag-aalay ng bulaklak para sa mga namayapang bayani ng digmaan, na ginampanan nina Pilar Mayor Charlie Pizarro, 1st District Representative Geraldine Roman, 2nd District Congressman Jose Enrique lll “Joet” Garcia at Gob. Albert Garcia.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Gob. Abet na noong ika-9 ng Abril 1942 ibinaba umano ng magkapanalig na pwersa ng mga Pilipino at Amerikano ang kanilang mga armas matapos ang tatlong buwan na pakikipaglaban sa mga manlulupig, na sagisag ng sakripisyo at katapangan.

Dagdag pa ng Gobernador, ang magigiting na sundalo ang nagbigay umano ng inspirasyon sa sambayanang Pilipino na manatiling matatag sa harap ng karahasan ng mga mananakop.
Sinabi din ni Gob. Abet na, sa kasalukuyan nahaharap muli ang mundo sa isang kakaibang digmaan, sa COVID-19. Hindi umano matatawaran ang tulong at kooperasyon na ibinigay ng iba’t ibang sektor lalo na ang mga frontliners na walang humpay na naglilingkod at nagbubuwis ng kanilang buhay. Hindi tulad ng mga mga kawal noong 1942, hindi kailangang magpaputok ng baril o kanyon at pisikal na makipagtunggali sa mga armadong kalaban. Ang kailangan lang natin ay maging matatag, determinado at magkaisa sa ating pagkilos upang puksain ang COVID-19.

Ika-79 na taong anibersaryo ng Araw ng Kagitingan, ginunita

Previous article

No more ASF case in Bataan- Venturina

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News