banner

Kasalang bayan sa Araw ng mga Puso

Written by
  • Zeny S.
  • 2 years ago

Maraming mamamayan ang natutuwa sa ngayo’y tila naging tradisyon na ng mga Lokal na Pamahalaan na pagdaraos ng mga kasalang bayang itinataon pa sa araw ng mga puso tulad ng naganap sa mga bayan ng Orani, Samal, Mariveles at Lungsod ng Balanga.

Ayon sa nagkakaisang pananaw nina Mayor Bondyong Pascual Jr. ng Orani, Mayor Aida Macalinao ng Samal, Mayor Jocelyn Castañeda at Mayor Francis Garcia ng Lungsod ng Balanga, nais nilang makatulong sa mga mamamayan na nais maging legal ang kanilang pagsasama na hindi na kinakailangang gumastos nang malaki.

Ang mga kasalang bayan na naganap, ay ginastusan at inasikaso ng mga lokal na pamahalaan nang libre mula sa pag pafile ng marriage contract, sa singsing, cake, bulaklak, reception na isang paraan ng pagpapakita ng pag-ibig at pagmamahal sa mga mamamayan.
Sa bayan ng Samal higit na naging makabuluhan ang kasalang bayan dahil ito ay natapat sa nalalapit na kaarawan ni Mayor Aida Macalinao, kung kaya’t dobleng selebrasyon at dobleng kaligayahan.

Tumayong ninong at ninang sa mga nasabing kasalang bayan sina Gov. Abet Garcia at Congresswoman Geraldine Roman sa mga bayan ng Orani at Samal na kumpleto sa mga regalo at pakimkim, bukod pa sa mga regalo ng mga punong bayan kaya’t gayon na lang ang tuwa ng mga ikinasal.

Article Categories:
News · Social Welfare

Comments are closed.

Shares