banner

Tax Campaign ng BIR Bataan, sinimulan na

Written by
  • Zeny S.
  • 7 months ago

Sinimulan na ng BIR RDO-20 Bataan ang kanilang 2023 BIR National Tax Campaign na may temang, ” Tulong- tulong sa Pagbangon, Kapit-kamay sa Pag ahon, Buwis na Wasto alay para sa Filipino”.

Inanyayahan ang lahat ng tax- paying public na makiisa dahil ito ay ginagawa taun- taon para paalalahanan ang mga mamamayan na magbayad nang tamang buwis, mag file ng Income Tax Return (ITR) na ang deadline ay sa April 7, 2023.

Ang unang bahagi ng kanilang kick off ay motorcade sa umaga, kung saan ang 2 grupo, group A ay manggagaling sa bayan ng Dinalupihan samantalang ang group B ay manggagaling naman sa Mariveles at ang lahat ay magtatagpo sa 4-lanes sa lungsod ng Balanga, at mula rito ay iikutin nila ang kabuuan ng Lungsod ng Balanga partikular na ang bahagi ng commercial areas.

Ang ikalawang bahagi, na magsisimula ala-una ng hapon sa 3rd floor ng Robinson’s Galleria ay isang programa na pangungunahan ni RDO Merlyn Vicente para talakayin ang mga bagong programa/sistema ng BIR tulad ng E-ONETT o Electronic-One Time Transactions, online registration, authority to print, open cases, tax clearance, estate tax amnesty, mga bagong forms at iba pa.

Mahalaga na ito ay daluhan ng mga bookkeeper, negosyante at mga professionals upang higit na malinawan ang mga bagong sistema sa BIR.

Sa ngayon ay aabot umano sa mahigit 3B piso ang target tax collection ng BIR Bataan, ngunit ang maganda rito, wala pa sa deadline ay naaabot na nila ang kanilang target.

Kaya’t gayon na lamang ang pasasalamat ng mga opisyales ng BIR Bataan ang suportang ipinakita ng mga taga-Bataan.

Article Tags:
· · · ·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares