banner

Terminal ng LNG itatayo sa Mariveles

Written by
  • Greg R.
  • 2 months ago

Inaprubahan na ng Department of Energy (DOE) ang balak ng Samat LNG Corp. na magtayo ng planta ng liquefied natural gas (LNG) sa Mariveles, Bataan.

Sa isang pahayag ng DOE, sinabi nitong maaari nang maglagay ng receiving at prequalification facility sa naturang bayan at ito ay magiging operational sa susunod na taon.

Ito umano ay maaaring magkarga ng 200,000 hanggang 400,000 tonelada ng inangkat na LNG kada taon.

Ang naturang LNG ay angkop sa mga maliliit na power producers at mga kumpanya at sa larangan ng transportasyon.

Dahil ito ay modular sinasabing madali lamang itong itayo sa mga bansang maraming.isla at probinsiyang tawid-dagat.

Article Tags:
· · · ·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares