banner

Transaksyon sa AFAB, mas pinabilis

Written by
  • Zeny S.
  • 8 months ago

Dahil sa panukula ni Cong. Joet Garcia na paggamit ng Gcash at iba pang online payment applications, mas pinabilis at pinadali umano nito ayon kay Administrator Emmanuel Pineda ng AFAB ang mga transaksyon at pagbabayad ng lahat ng utility bills sa Freeport Area of Bataan.

Ayon pa kay Pineda, dahil sa streamlining at digitalization efforts ng ahensya na naglalayong mas mapadali at mapabilis ang pagpo-proseso ng mga serbisyo na kung saan ay malilimitahan din umano nito ang face-to-face transaction at pag iwas sa covid-19.

Ang ganitong desisyon ng AFAB ay ikinatuwa ng mga kinatawan ng iba’t ibang enterprises sa FAB na ayon sa kanila, wala nang mahabang pila at siksikan, mabilis na transaksyon at iwas COVID pa.

Article Tags:
· ·
Article Categories:
Business

Leave a Reply

Shares