Upang maging maayos at maiparehistro ang mga tricycle sa bayan ng Orani, binabalangkas na ng Sangguniang Bayan ng Orani ang “Tricycle Code” na siyang magiging panuntunan ng mga may-ari at taga-pamasada ng tricycle sa bayang ito.
Sa mahigit 4,000 tricycle sa buong Orani, mahigit 3,000 lamang ang rehistrado sa pamahalaang-bayan.
“Hindi naman puwedeng hulihin ang mga tricycle na hindi rehistrado sapagkat wala kaming ordinansa tungkol sa bagay na ito,” paliwanag ni Vice Mayor Em Roman.
Sinabi pa ng anak ng dating bise-gubernador Serafin Roman, na magkakaroon din ng isang opisina na tututukan lamang ang tungkol sa mga issue ng tricycle operator at driver sa buong Orani.
Latest posts by Greg Refraccion (see all)
- No more ASF case in Bataan- Venturina - April 12, 2021
- Gov. Abet asks folks to draw inspiration from war heroes - April 12, 2021
- Kon. Abraham thanks Gov. Abet for land survey - April 5, 2021
Comments