banner

Trike drivers tumanggap ng ayuda

Written by
  • Greg R.
  • 5 months ago

Mahigit 100 tricycle drivers na naka home quarantine na kaanib sa Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) ng Barangay Lalawigan sa Samal ang tumanggap ng food packs mula sa “Barangay Hataw Worker… Shares.”

Sinabi ni Konsehal Erval Flores, miyembro ng Sangguniang Bayan ng Samal at founder ng “Barangay Hataw Worker Zumba,” na ang pamamahagi ng ayuda ay ginanap noong Fathers’ Day sa naturang barangay na kung saan nagkaroon din ng mobile community pantry para sa iba pang mga miyembro ng TODA.
“Iyon naman ay munting ala-ala at tulong sa mga kapatid nating tricycle drivers na apektado ng pandemya,” paliwanag ni Kon. Flores na aktibo sa mga samahang-sibiko sa bayan ng Samal.

Article Tags:
·
Article Categories:
News · Social Welfare

Leave a Reply

Shares