banner

Tubig para sa mga FAB investors, hindi kakapusin ngayong tag-init

Written by
  • Zeny S.
  • 1 month ago

Maraming lugar sa ating bansa sa ngayon ang dumaranas ng hirap sa suplay ng tubig dahil sa sobrang init, ngunit tiniyak ni AFAB Administrator Emmanuel Pineda na may sapat na suplay ng tubig ang FAB para sa lahat ng mga investors/locators.

Ipinaliwanag ni FAB Admin Pineda kung gaano katibay ang pagkakagawa ng dam sa loob ng FAB, na kaya nitong mag-hold ng tubig even to the critical level, kung kaya’t sinabi niyang hindi kakapusin sa tubig ang lahat ng kanilang mga investors.

Ayon pa kay Admin Pineda, kung ang minimum level ng tubig sa dam base sa disenyo nito na may elevation na 127m, ay 157ml, sila ngayon umano ay nasa 153 pa lang.

Dagdag pa ni Admin Pineda na kapag umuulan ay nagpapakawala pa sila ng tubig, dalawang barangay umano ng bayan ng Mariveles, ang Malaya at Maligaya na nasa loob ng FAB ang nagbebenepisyo sa kanilang water supply.

Sinabi din ni Admin Pineda na for humanitarian considerations, pumasok sila sa isang kasunduan para pansamantalang mag supply ng tubig sa mga barangay ng Baseco at Sitio batu-bato ng Brgy. Sisiman, habang naghahanap pa ang Mariveles Water District (Mariwad) ng permanenteng pagkukunan ng suplay ng tubig.

Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares