News

Tulong mula DOLE, bumuhos sa Bataan

0

Pinasalamatan nina Gov. Abet Garcia at Cong. Joet Garcia ang napakaraming tulong na ibinuhos sa lalawigan ng Bataan sa pagdating ni DOLE Sec. Silvestre Bello lll nitong nakaraang biyernes.

Nauna na rito ang tulong ng DOLE sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers program o TUPAD dahil sa pandemya nitong mga nakaraang buwan na ipinamahagi nina Cong. Joet at Cong. Geraldine sa mga manggawa sa lahat ng bayan sa buong lalawigan.

Tumanggap din sa nasabing okasyon ng Safety Seal Award ang walong FAB locators, na ayon pa kay Sec. Bello, ay nangangahulugan na ang mga nasabing kompanya ay sumusunod sa lahat ng patakaran or compliant to all labor standards at compliant to all health protocols, at isang safe na workplace.

Samantala nabigyan din ang ilang bayan ng Certificate of Eligibility na mapagkalooban ng mga bangka na ayon kay FAB Administrator Emmanuel Pineda, ang mga ito ay gawa ng isang locator sa FAB na isang lokal na residente ng Mariveles na trained in naval architecture and marine engineering. Sa katunayan, ang isa sa kanyang mga kliyente na may-ari ng isang mega yatch ay naka-dock sa Monaco na dating pinamamahalaan ng mga Onassis.

Tumanggap din ng cash assistance via scholarship ng DOLE ng tig-sampung libong piso ang sampung anak ng OFW na sa ngayon ay nag aaral sa kolehiyo.
Sa kanyang closing remarks, matinding pasasalamat ang ipinaabot ni Chairman Pineda ng AFAB sa napakaraming ayuda at suporta ng DOLE sa pamumuno ni Sec. Bello at lahat ng opisyal ng DOLE na dumalo sa nasabing pagtitipon.

Tulong pangkabuhayan, hatid ng DOLE sa Bataan

Previous article

Gov. Abet: “No one is safe unless everyone is safe.”

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News