“Mahalaga ang edukasyon ng mga kabataan”, ito ang sinabi ni Mayor Aida Macalinao matapos na ituloy ang pagbibigay ng allowance sa may 500 Iskolar ng Pamahalaang Bayan ng Samal.
Hindi umano hadlang ang pandemya, para ituloy ang tulong sa mga estudyante sa kanilang pag aaral sa kolehiyo na ipinagkakaloob ng “Aksyon at Malasakit sa Edukasyon” mula sa buwis ng mamamayan.
Hiling ni Mayor Aida sa mga mag-aaral na patuloy na tawirin ang kanilang mga pangarap mula sa simpleng tulong ng Pamahalaan.
Matatandaan na ang resolusyon ukol dito ay mula kay Konsehal Ronnie Ortiguerra na kanya ding inisponsor upang mabigyan ng allowance na tig 2, 500 piso ang bawat iskolar kada semester na pinalawak pa ng pagbibigay ng allowance na tig 2,000 quarterly sa mga Bgy. Nutrition Scholar, Barangay Health Workers at mga tanod.