BusinessNews

Tuloy ang operasyon ng Petron

0

Sinabi ni Limay town Vice Mayor Richie Jayson David sa isang panayam noong Martes na tuluy-tuloy ang operasyon ng Petron Bataan Refinery (PBR) matapos na ito ay mapasama bilang isa sa mga bahagi na ng Freeport Area of Bataan (FAB).

Ayon pa kay David, kahit tuloy ang operasyon ng pinakamalaking oil refinery sa bansa may nakaamba pa rin ang temporary shut down gaya ng naunang pahayag ng pamunuan ng Petron.

“Subalit ang tanong dyan ay kung kaya ba nilang makapagpababa ng presyo ng gasolina,” sabi pa ni David.
Noong mga nakaraang taon ang Petron ay mayroong rated capacity na mula 180,000 hanggang 270,000 barrels per day.

Sinabi ni David na wala pa umano siyang ideya tungkol sa production capacity ng Petron sa ngayon. “Well, sa production, baka magi-export din sila,” dagdag pa ni David.

Strict bidding process in DPWH Bataan District 1

Previous article

AFAB nakikipag-ugnayan sa management, workers

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in Business