NewsSocial Welfare

Unahin ang mga bata sa panahon ng Pandemya

0

Nakiisa ang Pamahalaang Bayan ng Pilar sa pamumuno ni Mayor Charlie Pizarro sa pagdiriwang ng ika-28 taon ng National Children’s Month ngayong buwan ng Nobyembre 2020, na may temang “Sama-samang itaguyod ang Karapatan ng bawat bata sa Panahon ng Pandemya, na naglalayon na unahin at bigyang prayoridad ang karapatan ng mga bata sa hirap na dinaranas natin ngayong panahon ng pandemya.

At upang ipakita ang kanilang suporta, ang mga opisyal ng bayan sa pangunguna ni Mayor Charlie Pizarro, mga kawani ng MSWDO-Pilar, PNP at iba pang mga empleyado ay sabay-sabay na binigkas ang “Panatang Makabata” bilang pagkilala sa mga bata sa ating lipunan.
Ayon kay Mayor Pizarro, ang Panatang Makabata ay nagsusulong na protektahan natin, igalang at pangalagaan ang karapatan ng bawat bata, anuman ang kanilang kasarian, saan mang relihiyon sila nabibilang, may kapansanan man o wala.

Bagama’t walang programa na direktang magpapakita ng mga talento ng bata tulad ng pagdiriwang nang mga nakaraang taon, tiniyak ni Mayor Charlie at iba pang opisyal na mabibigyan nila ng pangunahing edukasyon at kasiyahan ang mga bata sa kanilang modular learning sa tulong ng mga day care workers.
Binigyang-diin ni Mayor Charlie na mahalaga para sa kanya na protektahan ang mga bata sa anumang uri ng karahasan at pang-aabuso.

SBMA temporarily opens Subic hotels to returning OFWs

Previous article

Bataan Capitol donates funds for Samal fire victims’ new homes

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News