banner

Unang hakbang sa kinabukasan

Written by
  • Zeny S.
  • 6 months ago

Nagbenepisyo ang 19 na mababang paaralan sa bayan ng Hermosa matapos mamahagi si Vice Mayor Egie Malana nitong nakaraang linggo ng 50 libong assorted colored pencils na inisponsor ng Pencil and Stationary Products Manufacturing Inc., kaugnay ng kanilang proyektong Unang Hakbang sa Kinabukasan ng mga Mag aaral.

Sinabi ni Vice Mayor Malana na prayoridad niya sa nasabing proyekto ang mga estudyanteng nasa grades 1-3 na talaga umanong gumagamit pa ng mga lapis.
Ang mga lapis ay dinala sa 19 na paaralan kung saan ito naman ay ipamamahagi ng mga guro kasabay ng pagpasa at pagpick up ng mga worksheets ng mga magulang para sa mga mag-aaral.

Ang mga bata umanong hindi nakatanggap sa unang batch ay inaasahang mabibigyan sa susunod na batch ayon pa kay Vice Mayor Egie Malana.

Article Tags:
·
Article Categories:
Education

Leave a Reply

Shares