NewsSocial Welfare

Vax on Wheels umarangkada sa Samal

0

Umabot sa 370 Samaleño ang nabakunahan sa ilalim ng Vax on Wheels Program ng Bataan Provincial Health Office sa muling paggulong nito sa Sitio Adamson, Barangay Gugo, Samal, Bataan nitong Mierkoles.

Ayon kay Samal Mayor Aida Macalinao, malaki aniyang tulong ito para sa kanyang mga kababayan dahil sa mas napadali ang isinagawang pagbabakuna kontra Covid-19 sa kanyang mga kababayan.
Kasabay ito ng naging pagbabakuna ng second dose sa kulang isang libong katao sa Bataan People’s Center.

As of August 31, 2021 update mula sa PHO ay umabot na sa 1,446 ang nabakunahan ng first dose kontra Covid-19 sa Vax on Wheels Program, habang sa bayan ng Samal ay nakapagtala ng 8,645 bilang ng naturukan ng unang dose at 3,532 ang fully vaccinated.

Samantala, sa mga susunod na araw ayon sa PHO, ang Vax on Wheels ay gugulong na din sa bayan ng Mariveles sa layuning mailapit ang pagbabakuna sa mga manggagawa sa Freeport Area of Bataan upang hindi na maantala pa ang kanilang paghahanapbuhay.

Balanga distributes P17M ‘ayuda’

Previous article

55 libong bagong trabaho sa bayan ng Pilar

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News