Sa kanyang mensahe sa pagdiriwang ng Bataan Foundation Day, nitong nakaraang Sabado, sinabi ni Vice Gov Cris Garcia na, kasama ang mga kaanib ng Sangguniang Panlalawigan ay patuloy silang magpapatupad ng mga proyekto at programang pangkaunlaran at magbabalangkas ng mga batas at alituntunin na lalo pang ikagaganda, ikaliligtas at ikagiginhawa ng buhay ng bawat pamilyang Bataeño.
Bingyang-diin ni Vice Gov Cris ang kahalagahan ng katatagan, pagkakaisa at pagmamahal sa bayan na malinaw na tatak ng pagkakakilanlan ng mga Bataeño. Ayon pa sa kanya, ang pagdiriwang ng Bataan Foundation Day ay isang paalala sa ating pinagmulan at inpirasyon upang ipagpatuloy ang sama-samang pagtahak sa landas ng kaunlaran sa mahusay na liderato ni Gov. Joet Garcia.