banner

Zero crime rate sa Limay

Written by
  • Zeny S.
  • 1 year ago

Ito ang magandang ibimalita ng bagong hepe ng PNP sa bayan ng Limay na si Major Jennifer Cruz.

Matapos umano siyang mag courtesy visit kay Mayor Nelson David, kay Vice Mayor Richie David at sa mga bumubuo ng Sangguniang Bayan sa pagkakatalaga niya nitong ika-4 ng Enero January, ay sinimulan na niya ang kanyang programang “Barangayan”.

Bukod sa ito ay kurtesiya niya sa mga opisyal ng barangay ay nagsilbi na rin itong dayalogo kasama ang mga bygy. tanod, brgy. kagawad, lupon tagapamayapa, sk at iba pa, para sa ganon ay magkaroon ng magandang ugnayan ang komunidad at kapulisan partikular na sa pagpapatupad ng programa sa peace and order sa bawat barangay.

Samantala ikinatuwa naman ni Punong Brgy. Regie Gabriel ng Brgy. St. Francis 1, na ika-10 na sa mga barangay na kanyang dinalaw, ang personal na pagpunta ni Major Jennifer Cruz.

Ayon pa kay Capt Gabriel na siya ring ABC President, ay malaking bagay ito dahil tumaas ang moral ng kanyang kapwa opisyal sa barangay dahil sa suporta ng kapulisan.

Sa huli, sinabi pa ni COP Jen Cruz na bukod sa Zero Crime ang Limay ay hindi rin talamak ang problema ng droga dito at higit sa lahat maganda ang samahan ng LGU at ng kapulisan.

Article Tags:
· · · ·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares