108 mag-aaral, tumanggap ng libreng birth certificates

Ipinagkaloob sa may 108 mag-aaral ng Mariveles National High School-Poblacion ang mga libreng PSA Birth Certificate bilang bahagi ng programa ng LGU Mariveles na naglalayong tiyakin ang pagkakaroon ng bawat kabataan ng mahalagang documento. Ito ay sa pangunguna ng Municipal Council for the Protection of Children (MCPC) sa pagtataguyod ni Ms. Roselle Fernandez, Child Welfare Consultant ng nasabing bayan.

 

Dumalo sa pamamahagi ng birth certificate si Executive Secretary Randall Butch Concepcion bilang kinatawan ni Mayor Aj Concepcion, nakasama rin sina School Principal Marijoy Mendoza, mga magulang at mga estudyanteng benepisyaryo.

 

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Exec Sec. Randall Butch Concepcion, na ang nasabing inisyatiba ng Pamahalaang bayan ay para mabigyan nang maayos na access ang mga kabataan sa edukasyon at iba pang serbisyong panlipunan na nangangailangan ng legal na pagkakakilanlan.

 

Ayon pa kay Concepcion patuloy ang Pamahalaang Bayan ng Mariveles sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang sektor sa pagsusulong ng mga programang may layuning matiyak ang karapatan, kapakanan at kinabukasan ng bawat kabataang Mariveleño.

Leave a comment

Live Search