Buo ang suporta ng Pamahalaang Panlungsod ng Balanga sa pamumuno ni Mayor Francis Anthony Garcia sa mga mag-aaral na may kapansanan sa Lungsod.
Nitong nakaraang araw, pinagkalooban ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng P1,500.00 ang bawat isang mag-aaral na kabilang sa sektor ng mga PWDs o persons with disabilities sa Lungsod, na magagamit nila sa online learning .
Ayon kay City Social Welfare and Development Office Chief, Mrs. Gloria Abejar bukod sa tig P1,500 may matatanggap pang dagdag na tig P500 sa loob ng 3 buwan ang mga mag-aaral sa Bataan National Highschool, City of Balanga National Highschool at Balanga Elementary School SPED.