Pinangunahan ni G. Christopher C. Leonzon, Acting Department Head, Bataan Human Settlements Office (BHSO) ang isang pagpupulong sa pagitan ng Bataan Human Settlement Office at Bataan Baseco Joint Venture (BBJVI) nitong ika-4 ng Nobyembre, tungkol sa proyektong “Smart House” para sa 1Bataan Village sa Brgy. Sisiman, Mariveles.
Sa nasabing pulong na ginanap sa The Bunker, tinalakay ang mga estratehiya para mapatatag pa ang kaligtasan at seguridad ng mga residente ng nasabing Smart House, na ang lupa ay pag-aari ng BBJVI, sa Brgy. Sisiman.
Tinalakay din ang posibilidad ng paggamit ng makabagong teknolohiya sa mga planong pabahay, pati na rin ang mga pakikipagtulungan para maisakatuparan ang nasabing proyekto.
Ipinahayag din ni G. Leonzon ang pagtitiyak at dedikasyon na maisulong ang mga planong magbibigay prayoridad sa kapakanan, proteksyon at kaginhawahan ng buong komunidad.