banner

2013 Most Outstanding Municipality,nakamit ng Morong

Written by
  • Ronald F. S.
  • 8 years ago

Sa ginanap na pagpaparangal sa Crown Royale Hotel sa lungsod na ito, kasabay ng Disseminating Forum on Health Cluster na inorganisa ng Provincial Health Office (PHO) at Philippine Information Agency-Bataan, noong ika-24 ng Hulyo, nakamit ng bayan ng Morong ang score na 98.13 upang daigin ang Bagac na pumangalawa sa score na 95.15, kasunod ang mga bayan ng Abucay (87.96), Hermosa (87.87), at Samal (86.68).

 Limang bayan ang tumanggap din ng parangal matapos mahigitan ang target score sa implementasyon ng Deworming Program at ng Garantisadong Pambata, isang weeklong na pagbibigay ng health services tulad ng Vitamin A supplementation. Ito ay ang mga bayan ng Abucay, Bagac, Hermosa, Morong at Samal. Bukod sa certificate of recognition, tumanggap din ang bawat isa ng Salter Scale.

Samantala, nahirang naman ng PHO si Virginia Banzon ng Barangay Bagumbayan, Bagac bilang Outstanding Provincial Nutrition Scholar para sa taong 2013. Sinabi ni Banzon na bumaba ang bilang ng mga malnourished na bata sa kanyang barangay at siniguro niya na maayos na naipatutupad ang mga programa sa nutrition.

Pinangunahan nina Board Members Aristotle Gaza at Jose Villapando, at ng Provincial Nutrition Council, na pinamumunuan ni Gov. Albert Garcia, ang pagkakaloob ng mga parangal sa nasabing forum sa pagdiriwang ng 40th Nutrition Month.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Comments are closed.

Shares