Namahagi ng mga wheelchairs ang Pamahalaang Bayan ng Mariveles sa pamumuno ni Mayor AJ Concepcion katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan sa mga benepisyaryo sa Brgy. Balong Anito, bayan ng Mariveles bilang bahagi ng programa ng ating gobyerno para sa mga mamamayang nangangailangan ng suporta.
Sinabi pa ni Mayor AJ Concepcion na patuloy na maghahatid ang Pamahalaang Bayan ng Mariveles ng serbisyong tapat, maaasahan at may malasakit sa mga Mariveleños.