50 Lingkod Iskolar, nakibahagi sa contract signing at orientation sa Bataan

50 Lingkod Iskolar, nakibahagi sa contract signing at orientation sa Bataan

Dumalo sa contract signing at orientation ang 50 scholar-beneficiaries ng Lingkod Iskolar program na inilunsad ni Bataan 1st District Rep. Tony Roman III para sa mga non-teaching personnel ng Department of Education at Bataan Peninsula State University mula sa Unang Distrito ng Bataan.

 

Sa ilalim ng nasabing programa, mabibigyan ng pagkakataon ang mga benepisyaryo na maipagpatuloy ang kanilang pagkuha ng Master’s degree sa Bataan Peninsula State University, bilang bahagi ng layunin ng programa na mapaunlad ang kakayahan at propesyonal na paglago ng mga kawani sa sektor ng edukasyon.

 

Ayon kay Cong. Roman, unti-unti nang nagiging realidad ang Lingkod Iskolar mula nang ito ay ilunsad, at inaasahang mas marami pang mga lingkod-bayan ang makikinabang sa programang naglalayong magbigay ng mas maraming oportunidad sa edukasyon sa lalawigan.

Leave a comment