COVID-UPDATE: OCTOBER 19, 2020

COVID-19 UPDATE: Sa huling ulat ng PHO kahapon, ika-19 ng Oktubre, umabot na po sa 2,630 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ating Lalawigan, labing tatlo (13) ang mga bagong nakarecover at 284 ang nagnegatibo ang resulta ng test.

Lumabas sa contact tracing na pito (7) sa mga confirmed cases ay close contacts ng mga nauna nang nagpositibo sa COVID-19.
1. Isang 37 taong gulang na lalaki mula sa Hermosa
2. Isang 45 taong gulang na babae mula sa Limay
3. Isang 33 taong gulang na lalaki mula sa Orani
4. Isang 56 na taong gulang na lalaki mula sa Orion
5. Isang 27 taong gulang na babae mula sa Samal
6. Isang 46 na taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
7. Isang 29 na taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga

Ang iba pa sa mga kumpirmadong kaso ay ang mga sumusunod:
8. Isang 35 taong gulang na babae mula sa Abucay
9. Isang 26 na taong gulang na lalaking OFW mula sa Dinalupihan

Sa kabuuan, umabot na po sa 2,370 ang bilang ng nakarecover na.
1. Isang 30 taong gulang na babae mula sa Abucay
2. Isang 31 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
3. Isang 10 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
4. Isang 54 na taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
5. Isang 29 na taong gulang na babae mula sa Dinalupihan
6. Isang 60 taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
7. Isang 26 na taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
8. Isang 41 taong gulang na babae mula sa Mariveles
9. Isang 61 taong gulang na babae mula sa Mariveles
10. Isang 25 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
11. Isang 36 na taong gulang na babae mula sa Mariveles
12. Isang 43 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
13. Isang 64 na taong gulang na babae mula sa Orani

Umabot naman sa limampu’t isa (51) ang pumanaw na; ang bagong kaso ng pumanaw ay ang 68 taong gulang na lalaki mula sa Orani. Ang kabuuang bilang ng active cases ay 209 at lahat sila ay naka isolate na; 267 ang naghihintay ng resulta ng test; 23,139 ang nagnegatibo na at 293 ang mga bagong natest. Mula po noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 26,036 na po ang natest sa ating Lalawigan.

Maaari po ninyong i-access ang real time monitoring ng Bataan sa pamamagitan ng link na ito:
https://datastudio.google.com/s/vsS5vdEmMoM

Upang hindi na po dumami ang kaso ng COVID-19, patuloy po ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng facemask at mag observe ng physical distancing na dalawang (2) metro.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa.
#1Bataan ☝️

Leave a comment