222 jeepney operators at drivers sa Mariveles, tumanggap ng ayuda

Tumanggap ng tig-P2,000 tulong pinansyal ang 222 miyembro ng FABJODA at MAFABJODA sa ilalim ng CRA-Sustainable Livelihood Program ng Pamahalaang Bayan ng Mariveles, bilang ayuda sa mga jeepney operators at drivers na naapektuhan ng krisis sa produktong petrolyo.

 

Ayon kay Mayor AJ Concepcion, layunin ng programa na mabigyan ng agarang suporta ang mga pampublikong transport workers habang patuloy silang nagseserbisyo sa mga residente ng bayan sa gitna ng patuloy na pagtaas ng gastusin sa operasyon.

 

Inaasahan din ng lokal na pamahalaan na sa mga susunod na linggo ay mabibigyan ng kaparehong tulong ang mga magsasaka, mangingisda, at mga tricycle operators at drivers bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng mga programang pangkabuhayan para sa iba’t ibang sektor sa komunidad.

Leave a comment