Andy Jale Manalo, Bb. Bagac 2025

Buong galak na binati ni Mayor Ron del Rosario ang tinanghal na Bb. Bagac 2025, na si Andy Jale Manalo ng Brgy. Ibaba, bayan ng Bagac at estudyante ng Bataan National High School for the Arts.

 

Ayon kay Mayor Ron del Rosario, ang tagumpay ni Andy Manalo ay dahil sa ipinakita nitong talino, tapang, kagandahang loob at dedikasyon na sumimbolo sa kanyang korona at karangalang tanghaling Bb. Bagac 2025.

 

Ang Pamahalaang Bayan ng Bagac ay buo ang suporta sa lahat ng kanyang magiging mga inisyatibo na magpapa-angat pa sa adbokasiya at magandang layunin ng bayan gayundin sa kanyang pagsali sa Bb. Bataan.

 

Nais ding pasalamatan ni Mayor del Rosario ang labindalawang kandidata na sumali sa Bb. Bagac 2025 na nagbigay ningning sa nasabing patimpalak, at sana ay maging inspirasyon sila ng kanilang kapwa kabataan.

Leave a comment