Malugod na binati nina 3rd District Representative Gila Garcia at Dinalupihan Mayor Tong Santos ang mga bumubuo ng Jose Depiro Kabataan Orkestra sa pagdiriwang ng ika-12 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng musika, disiplina at walang kapantay na pagkakaisa.
Ayon kay Cong. Gila Garcia, hindi magiging ganap ang pagdiriwang kung wala ang pagkilala kay Father Joseph Anthony Cremona na siyang nagtatag at nagbigay buhay sa Jose Depiro Kabataan Orkestra.
Samantala sinabi naman ni Mayor Tong Santos na, tulad ng 12 susi na bumubuo sa isang ganap na komposisyon, ang bawat kasapi ng nasabing orkestra, ay tila ba susi rin ng mahagang bahagi sa isang malawak at makabuluhang pagkakaisa.
Ayon pa sa dalawang opisyal, nawa’y magpatuloy pa ang kanilang mga musika sa paghubog nang mas marami pang kabataan, sa pagpapayaman sa ating kultura at paghahatid ng inspirasyon sa bawat entablado.