Naging masaya at matagumpay ang pagdaraos ng ika-12 taong pagdiriwang ng Ibong Dayo Festival sa Lungsod ng Balanga.
Ayon kay Mayor Raquel Garcia, ngayong taon, nakita niya kung gaano ka-engaged at ka-passionate ang mga taga Balanga pagdating sa pangangalaga ng kalikasan, lalo na ang pagdami ng mga dumadayong ibon sa Wetland Park sa Tortugas na patunay lamang nang maayos na pangangalaga sa ating lugar na nagsisilbing pahingahan ng mga ibon.
Narito ang mga nagsipagwagi:
Bird Trike Float Contest
Mukhang Ibon, Sayaw Ibon Dance Contest
Best in Costume– Balanga Elem School
Batang Ibon 2026– Balanga Elem School