Sa pulong ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa pangunguna ni Gov. Joet Garcia, na ginanap sa Bataan Tourism Pavillon, iniulat ng iba’t-ibang ahensya ang epekto ng kasalukuyang sitwasyon sa agrikultura, negosyo, paggawa, transportasyon at presyo ng mga bilihin kugnay nang pagtaas ng presyo ng langis.
Sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan, inilatag ang mga karampatang hakbang at programang makatutulong para maibsan ang mabigat na epekto nito sa kabuhayan ng mga mamamayan lalo na sa mga sektor na lubhang apektado.
Kasama sa pagpupulong ang mga kinatawan ng PDRRMO, PNP, BFP, MBDA, DPWH, PCG, Bataan READi App, Barangay Resilience Bingo Scorecard, Seismic Isolation Technology for Disaster Resilient at LDRRMO na kumilos nitong nakaraang Semana Santa para masiguro ang kapayapaan at kaayusan sa daan, gayundin mabilis na pagresponde sa mga insidente, lagay ng panahon at iba pang mga napapanahong isyu.
Nangako si Gob. Joet sa nasabing pulong na patuloy na palalakasin ang kahandaan at pangangalagaan ang kapakanan ng mga Bataeño.