Kampanya vs on-line scamming paiigtingin pa ng NBI

Lalo pang paiigtingin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang kampanya laban sa on-line scamming o mga panloloko gamit ang cellphone, laptop at computer.

 

Ito ang isa sa mga napag-usapan nina Bataan Gov. Joet Garcia at mga pinuno ng National Bureau of Investigation (NBI) nang bumisita ang huli sa opisina ng gobernador.

 

Tinalakay din ang planong paglalagay ng satellite office ng NBI sa The Bunker para mapadali ang pagkuha ng NBI clearance ng mga job applicants, sa halip na pumunta pa San Fernando City, Pampanga o Olongapo city.

 

Sinabi ni Gov. Garcia na layon ng pulong na lalo pang mapabuti ang serbisyo-publiko ng ahensiya sa Bataan lalo na sa mga overseas Filipino workers (OFW).

Leave a comment