Nasa 2,346 na magsasaka mula sa mga bayan ng Hermosa, Orani, Samal, at Abucay ang nakatanggap ng agarang tulong pinansyal sa ilalim ng Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk Program (PAFFP), ayon kay Bataan First District Rep. Tony Roman III.
Sinabi ni Roman na layunin ng programa na matulungan ang mga magsasaka sa kanilang pang-araw-araw na gastusin at mapalakas ang kanilang kabuhayan sa gitna ng patuloy na hamon sa sektor ng agrikultura. Ang pondo ay bahagi ng ayuda mula sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Nagpasalamat naman ang kongresista sa Department of Agriculture Region III, Office of the Provincial Agriculturist, at sa mga lokal na pamahalaan ng apat na bayan para sa pagtutulungan upang matagumpay na maipatupad ang programa para sa mga benepisyaryo.