Kinilala ng Department of Education (DepEd) ang Aboitiz – GNPower Mariveles Energy Center (GMEC) at GNPower Dinginin (GNPD) sa ginanap na Partner’s Appreciation Program dahil sa patuloy nitong suporta sa pagpapabuti ng Edukasyon sa Bataan.
Binigyang-diin sa pagkilala ang iba’t ibang makabuluhang Corporate Social Responsibility (CSR) initiatives ng kompanya kabilang ang ESKWELUSUGAN Program na nagsanay ng mga guro sa 15 paaralan sa Bataan gamit ang ALPABASA literacy method upang mapalakas ang Biaan Aeta Integrated School.
Tumulong din ang GMEC at GNPD sa pagpapalawak ng digital access sa pamamagitan ng AuroraPH Initiative sa pagtutulungan ng Aboitiz Foundation, Starlink at Huawei. Nadala rin nila ang solar power at high speed internet connectivity sa Biaan Aeta Integrated School para masuportahan ang mga mag-aaral sa malalayong komunidad.
Ayon kay G. Joseph Paolo Mendoza, GMEC-GNPD Reputation and Stakeholder Management Manager, “ang pagkilalang ito ay patunay lamang na kapag nagtulungan ang pamahalaan, komunidad at pribadong sektor ay talagang mababago ang buhay ng kabataang Pilipino”.