Coastal clean-up, isinagawa ng LGU Orani katuwang ang Philippine Air Force

Coastal clean-up, isinagawa ng LGU Orani katuwang ang Philippine Air Force

Matagumpay na naisagawa ang Coastal Clean-up Activity sa Brgy. Pantalang Luma sa pagtutulungan  ng Pamahalaang Bayan ng Orani, iba’t ibang ahensya  at pribadong sektor sa iniyatiba ng Philippine Air Force Tactical Operations Wing Northern Luzon – Tactical Operations Group 3 (TOWNL TOG3).

 

Ayon kay Mayor Jon Arizapa layunin ng nasabing gawain na palawakin ang kamalayan ukol sa wastong pamamahala sa basura at hikayatin ang aktibong pakikilahok ng komunidad sa pangangalaga sa kapaligiran, kalinisan ng bayan at kalikasan.

 

Nagpasalamat si Mayor Jon Arizapa sa lahat ng sektor, mga ahensya ng Pamahalaan  at volunteers na nakiisa sa nasabing gawain gayundin ang 84th IB, 7ID ng Phil Army , Orani Menro, konseho ng Brgy. Pantalang Luma, maging ang mga mangingisda sa nasabing lugar.

 

Leave a comment