Cong Abet Garcia Isinulong proyektong Coastal Road-Dike sa Pulong sa Asian Dev’ment Bank

Cong Abet Garcia Isinulong proyektong Coastal Road-Dike sa Pulong sa Asian Dev'ment Bank

Sa pakikipagpulong ni 2nd District Representative Abet Garcia sa mga kinatawan ng Asian Dev’ment Bank (ADB) sa pangunguna ni Director Andrew Jeffries, ADB Country Director for the Philippines, kanilang tinalakay ang isinusulong na Manila Integrated Coastal Defense Project, isang coastal road-dike  mula sa lalawigan ng Bataan na tatagos sa mga lalawigan ng Pampanga at Bulacan patungong Maynila.

 

Binigyang -diin ni Cong Abet  na ang nasabing proyekto ang magsisilbing proteksyon laban sa malawakang pagbaha hindi lamang sa lalawigan ng Bataan, maging sa mga karatig-lalawigan ng Pampanga at Bulacan. Ito rin ay magsisilbing bagong daan patungong Manila na makatutulong sa paggaan ng trapiko sa mga nasabing lalawigan at maging sa Maynila.

 

Nakasama ni Cong Abet sa pulong sina ADB Principal Water Resource Specialists, Eric Quincieu, iba pang Kinatawan ng ADB at mga kawani ng Department of Public Works and Highways.

Leave a comment