25 kilong bigas, ipamamahagi sa bawat pamilyang Mariveleño

Inihahanda na ng Pamahalaang Bayan ng Mariveles, katuwang ang iba’t ibang departamento ng lokal na pamahalaan, ang maayos, organisado, at patas na pamamahagi ng tig-25 kilong bigas para sa bawat pamilyang Mariveleño bilang bahagi ng kanilang ayuda program.

 

Ayon kay Mariveles Mayor Ace Jello Concepcion,  ipamamahagi sa bawat barangay ang rice stub na magsisilbing gabay ng mga residente sa itinakdang schedule at proseso ng distribusyon upang matiyak ang maayos at sistematikong pamamahagi ng tulong.

 

Nanawagan naman ang lokal na pamahalaan sa pakikiisa ng bawat mamamayan upang matiyak na maayos na maihahatid ang ayuda sa bawat tahanan, kasabay ng pasasalamat sa patuloy na suporta at kooperasyon ng mga Mariveleño.

Leave a comment