banner

Abucay Vice Mayor, namahagi ng educational assistance

Written by
Abucay Vice Mayor, namahagi ng educational assistance
  • Mhike R. C.
  • 7 months ago

Umabot sa isang libong mga estudyante ang nabiyayaan ng educational at financial assistance mula sa tanggapan ng Bise Alkalde ng Abucay, Bataan na si Roberto “Wangbu” Pabustan, nitong nagdaang Sabado.

Ayon kay Vice Mayor Pabustan, patuloy ang kanyang pagsisikap na makakalap ng pondo para makapagbigay ng dagdag na tulong sa kanyang mga kababayang Abukenyo lalo na ang mga mahihirap na mamamayan dito.

Sa naturang financial assistance, tumanggap ng tig-isang libong piso bilang dagdag pambaon at panggastos ang may isanlibong mag-aaral mula sa lahat ng barangay ng naturang bayan.

Lubos naman ang naging pasasalamat ng mga magulang at estudyante sa biyayang kanilang natanggap. Katuwang ni VM Wangbu sa naturang proyekto ang Sangguniang Bayan ng Abucay.

Article Categories:
Education

Leave a Reply

Shares